Criminology student, huli sa pangingikil
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 4th year criminology student na nagpapakilalang pulis at nangikil sa isang estudyante sa isinagawang entrapment operation sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Sa pangunguna ni DPIOU Police Superintendent Lucille Faycho, dinakip si Garette Paul Javier, 27, dati umanong miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau at nakatira sa Gerona St. sa Tondo kasama ang kanyang live-in partner sa kahabaan ng Avenida kanto ng Tayuman St. sa Tondo.
Napag-alaman na nagpapakilala ang suspek bilang PO1 Mark Espejo at miyembro umano ng MPD Abad Santos Police Station na nangikil sa isang estudyante ng Arellano University dahil sa paglabag nito sa trapiko ng halagang P2,500.
Lumabag si Javier sa Article 293 o Robbery Thru Extortion, Article 177 Usurpation of Authority at Article 178 o Using Fictitious name and Concealing true name.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Manila Police District ang suspek para sa kaukulan pang imbestigasyon. (Doris Franche)
- Latest