^

Metro

Barangay secretary arestado sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Barangay secretary arestado sa droga
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Pasig City RTC Branch 12, dakong alas-8:00 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Eas-tern Police District ang tahanan ng suspek na si Nilo Alvarez, nasa hustong gulang, secretary ng Brgy. Kalawaan, Pasig City, sa Sampaguita Street, Ismar-Kalawaan, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang sekretarya ng barangay sa Pasig City na itinuturing na High Value Target (HTV) ang inaresto ng mga otoridad makaraang makumpiskahan ng droga sa isinagawang police operation sa kanyang tahanan kamakalawa ng gabi.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Pasig City RTC Branch 12, dakong alas-8:00 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Eas-tern Police District ang tahanan ng suspek na si Nilo Alvarez, nasa hustong gulang, secretary ng Brgy. Kalawaan, Pasig City, sa Sampaguita Street, Ismar-Kalawaan, ng naturang lungsod.

Kaagad namang dinakip ang suspek nang makakumpiska sa kanyang tahanan ang mga pulis ng transparent plastic tube na may lamang tatlong medium-sized plastic heat-sealed sachets ng shabu na may timbang na 13 gramo at estimated street value na P40,000.

Sa imbestigasyon, natukoy ng EPD na si Alvarez ay isang dating barangay kagawad sa naturang lugar ngunit nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs sa isinagawang surprise random drug test ng Pasig City government, na nagresulta sa pagka-suspinde sa serbisyo.

Tumakbo itong muli sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngunit hindi na pinalad na mahalal muli.

Detenido na ang suspek dahil sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

HIGH VALUE TARGET (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with