^

Metro

Pro at anti-Duterte group nagkairingan sa rali

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pro at anti-Duterte group nagkairingan sa rali
Ang mga pro-Duterte group naman na nagtipon din sa may grandstand.
(Kuha ni Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Bahagyang nagkaroon  ng tensyon sa isinaga- wang mga rali sa Maynila sa pagitan ng pro at anti-Duterte Group bilang paggunita sa ika-46 anibersaryo ng Martial Law, kahapon.

Sa ulat ng Manila Police District, umakyat na sa mahigit sampung libo ang crowd estimate na kinabibilangan ng pro at anti-Duterte.

Gayunman, ayon kay   MPD Public Information Chief, Supt. Carlos Manuel, naging mapayapa sa pang­kalahatan ang mga pagti-tipun-tipon sa Mendiola, España, Bonifacio Shrine at sa Quirino Grandstand at ng iba’t ibang grupo.

Kabilang sa nakitang mi-litanteng grupo ang Bayan, Kadamay, Kilusang Mayo Uno, Partido ng mga Manggagawa.

Una nang nagsagawa ng programa sa Mendiola ang mga militanteng grupo kasama ang grupo ng mga manggagawa, kabataan at Simbahan bago nagtungo ang mga ito sa Luneta.

Hindi naman nagpahuli ang mga pro-Duterte group na pawang nakasuot ng pulang pang-itaas na nagmula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Hindi rin nagpahuli sa mga tarpaulin at streamer ang pro-Digong group na  may nakasaad na “Protect the President, Protect the Philippines”.

Isinisigaw naman ng  mga militanteng grupo ang pagtutol sa TRAIN Law, patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas at gulay.

Malalaking tarpaulin, streamer at placards ang mga hawak ng anti-Duterte na may mga katagang “Labanan ang Alyansang Duterte-Marcos”, “Resist Duterte’s Fascists Attacks” na layunin ng kanilang kampanya na walang makabalik sa mga Marcos at hindi na muling maibalik ang martial law sa bansa.

Habang sinusulat ang report na ito ay patuloy pa rin ang isinasagawang programa sa Quirino Grandstand ng mga militanteng grupo at anti-Duterte group.

vuukle comment

ANTI-DUTERTE GROUP

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with