^

Metro

‘Tulak’ bulagta sa engkwentro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� bulagta sa engkwentro
Sa ulat mula sa Manila Police District-Station 7, ang nasawi ay kinilalang si Kenneth Taysun alyas Kenneth, 33, residente ng Sto. Tomas St., Sampaloc, Maynila.

MANILA, Philippines — Patay ang isang lala-king nasa drug watchlist matapos na manlaban sa ope­ra­tiba ng Manila Police Dis­trict-Station 7 sa  ikinasang  buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Sa ulat mula sa Manila Police District-Station 7, ang nasawi ay kinilalang si Kenneth Taysun alyas  Kenneth, 33, residente ng Sto. Tomas St., Sampaloc, Maynila.

Ligtas naman ang binaril nitong si PO1 Napoelon Santos na bagama’t natumba nang barilin sa dibdib ay wala namang sugat dahil sa suot na  bullet-proof vest.

Naganap ang insidente dakong alas-11:18 ng gabi sa isang barung-barong sa Dagupan St., na ginagawang  drug den ng suspek.

Nagawang makabili ng halagang P300 na shabu ang poseur-buyer na si PO2 Romel Pantig at nang makahalata ang suspek na may papalapit na mga pulis ay agad na pinaputukan si Pantig na nakaiwas sa putok .

Habang tumatakas ay hinabol siya ni PO1 Santos na pinaputukan sa dibdib na nakaganti ng putok at tinamaan ang suspek .

Narekober mula kay Taysun ang isang kalibre 38 baril na may 4 na bala at 15 sachets ng shabu.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with