^

Metro

Sunog sa Pasay: 1 patay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Pasay: 1 patay
Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasay City, alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang pinto ng apartment na inuupahan ng isang nakilalang si Roniel Calamba, sa kahabaan ng FB Harisson St. ng naturang siyudad.
Miguel de guzman

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nalitson nang buhay sa halos dalawang oras na naganap na sunog, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasay City, alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang pinto ng apartment na inuupahan ng isang nakilalang si Roniel Calamba,  sa kahabaan ng FB Harisson St. ng naturang siyudad.

Gayunman hindi pa makumpirma ng mga arson investigator ng BFP kung si Calamba nga ang natagpuang patay sa kabila ng inilabas na ulat ng Scene of the Crime Operation ng Southern Police Distirct (SPD) na ito ang nasawi.

Natagpuan ang labi ng biktima sa sala ng kanyang bahay na kung saan sunog na sunog ang buo nitong katawan.

Napag-alaman, na tuma­gal ng  halos dalawang oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang fireout bandang alas-11:13 ng gabi.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente kung saan inaalam kung ano ang pinagsimulan nito.

vuukle comment

CRIME

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with