^

Metro

Abandonadong kontrabando sa MICP, ipinamahagi ng BOC sa mga biktima ni ‘Ompong’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Abandonadong kontrabando   sa MICP, ipinamahagi ng BOC  sa mga biktima ni �Ompong�
Kaugnay nito, inutos ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagpapalabas ng 7,000 sako ng bigas mula sa Port of Cebu upang maging donasyon sa libu-libong pamilyang sinalanta ni Ompong.

MANILA, Philippines — Ipinamahagi na lamang ng Bureau of Customs sa mga naging biktima ng bagyong Ompong ang mga inabandonang kargamento at mga nasabat na produkto ng ahensiya na resulta ng anti smuggling campaign.

Kaugnay nito, inutos ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagpapalabas ng 7,000 sako ng bigas mula sa Port of Cebu upang maging donasyon sa libu-libong pamilyang sinalanta ni Ompong.

Bukod sa saku-sakong bigas, ipamamahagi na rin ng BOC ang  109 na package na naglalaman ng mga kumot,  153 na package ng mask, 350 na kahon ng bedsheets, kumot at tuwalya at 1,332 kahon ng mga damit.

Ayon pa kay Lapeña, mayroon ding 6,921 na bags  ng malagkit o glutinous rice  mula sa Port of Zamboanga ang  ipamimigay ng ahensiya sa mga sinalanta ng bagyong Ompong.

Tiniyak ni Lapeña na marami pang produktong nakum-piska sa anti-smuggling campaign ng Bureau of Customs ang ipamimigay sa panahon ng kalamidad at pangangailangan.  

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with