^

Metro

2 empleyado ng MMDA timbog sa droga, kotong

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 empleyado ng MMDA timbog sa droga, kotong
Kinilala ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang mga nadakip na sina Rommel Aluyen, na nahuling gu­magamit ng droga at Luisa Bon, na nangongotong naman. Ang dalawa ay kapwa nakatalaga sa administrative department.
File Photo

MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) matapos maaktuhan ang isa dito na gumagamit ng droga sa comfort room ng naturang ahensiya at ang isa naman ay nangongotong sa isang aplikante na iniulat kahapon.

Kinilala ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang mga nadakip na sina  Rommel Aluyen, na nahuling gu­magamit ng droga at Luisa Bon, na nangongotong naman. Ang dalawa ay kapwa  nakatalaga sa administrative department.

Base sa record,  si Aluyen ay nagsimulang magtrabaho sa ahensya noong 2003, samantalang si Bon ay noong 1996.

Sabi ni Garcia, nakatanggap siya ng report hinggil sa illegal drugs activities ni Aluyen, dahilan upang atasan niya ang kanyang mga tauhan na magkasa ng operasyon laban dito.

Nitong Miyerkules ay nadakip nga si Aluyen na gu­ma­ga­mit ng droga sa isa sa loob ng mga comfort room ng MMDA.

Napag-alaman na si Alu-yen ay isa sa empleyado na nagpositibo sa droga sa ikinasang sorpresang drug test ng pamunuan ng ahensya  kung saan kasama ang 13 pang nagpositibo rin.

Samantala, si Bon naman ay nadakip matapos itong ireklamo ng isa sa mga apli­kante na hiningian niya ng halagang P1,500.00 para ma­kapagtrabaho sa naturang ahensiya.

Sa ngayon ay kapwa iniimbestigahan sina Aluyen at Bon ng pamunuan ng MMDA at sasampahan ang mga ito ng mga kaukulang kaso.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO­RITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with