^

Metro

Mag-asawa kritikal sa saksak ng adik na anak

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa kritikal sa saksak ng adik na anak
Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang mag-asawang sina Allan Astillero, 48 at Araceli, 59, residente ng Guiho Extension, Brgy. Cembo ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang mag-asawa nang pagsasaksakin ng ka­nilang anak na lalaki na sinasabing lulong sa ipinagbaba-wal na gamot sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang mag-asawang sina Allan Astillero, 48 at Araceli,  59, residente ng Guiho Extension, Brgy. Cembo ng naturang lungsod.

Hinahanting na ng pulisya ang suspect na si Carigie Astillero, 20, binata.

Sa report na natanggap ni Sr. Supt. Roger Simon, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-5:30 ng umaga sa Block 11, Lot 5, Guiho Extension, Brgy. Cembo ng naturang lungsod.

Nabatid na basta na lamang pinagsasaksak ng suspect ang kanyang mga magulang at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.

Ayon sa pulisya, na noong  nakaraang Agosto ay ipinakulong ito ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging lulong sa ilegal na droga.

Nitong Setyembre 18 ay ta­takas sana ang suspect mula sa Makati City Jail, subalit nabaril ito sa paa at kamay ng  mga nakatalagang guwardya.

Dahilan upang isugod ito sa ospital at pagkatapos ay ibinalik ito sa naturang kulungan at kinahapunan ay lumabas naman ang order para sa paglaya nito.

Nang makauwi ang suspect sa bahay ay saka naganap ang pananaksak nito sa kanyang mga magulang. 

Posibleng nagtanim ng galit ang suspect sa kanyang mga magulang kaya niya ito sinaksak.

vuukle comment

STABBED TO DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with