^

Metro

‘Tulak’ bulagta sa drug-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
âTulakâ bulagta sa drug-bust
Kinilala ang nasawi na si Christian Edosora, alyas Tol, 25, residente ng P. Algue St., Tondo.
File Photo

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang ‘tulak’ ng iligal na droga na naglulungga sa loob ng Manila North Cemetery nang manlaban sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Christian Edosora, alyas Tol, 25, residente ng P. Algue St., Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 3, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa 9tt  St., Manila North Cemetery.

Sa pangunguna ni Senior Inspector Edison Ouano, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Station3, sina-lakay ang lungga ni alyas Tol  dahil sa impormasyon na patuloy pa ang pagbebenta nito ng shabu sa loob ng sementeryo.

Nagawa pang makabili ng poseur-buyer subalit nakahalata ang suspek na pulis ang kaharap at mistulang sume-senyas sa mga kasamahan kaya nagtangkang tumakas sabay ng pagpapaputok ng baril sa kaharap.

Hindi naman tinamaan     ang poseur-buyer na agad nakaganti ng putok na ikina-handusay ng suspek.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek na idineklarang dead-on-arrival.

DRUG BUY-BUST OPE­RATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user