^

Metro

170K lumang dyip diretso sa junkshop

Mer Layson, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
170K lumang dyip diretso sa junkshop
Tuluyan nang mawawala sa lansangan ang mga lumang dyip pagsapit ng 2020.

Modernization tuloy na tuloy

MANILA, Philippines — May 170,000 unit ng mga lumang Passenger Utility Jeepney (PUJ) ang sinasabing wawalisin na ng pamahalaan sa mga lansangan pagsapit ng taong 2020.

Ito’y bilang bahagi ng transport modernization program na desididong maipa­tupad ng Department of Transportation (DOTr) upang solusyunan ang problema sa polusyon at pahusayin pa ang trans-port system sa bansa.

Ayon kay Transporta-   tion Assistant Secretary For Road Transport and In­fras­tructure Mark de Leon, kailangang alisin sa mga kalsada ang mga naturang lumang passenger jeepney.

Pagkakalooban naman aniya ng pamahalaan ng tig-P80,000 na subsidiya ang mga may-ari ng mga naturang lumang behikulo upang makabili ng modernong unit ng sasakyan.

“Binigyan kayo ng P80,000 ng gobyerno, sub-si­dy, tapos papatakbuhin mo pa rin yung lumang unit? paliwanag ni De Leon, sa isang press briefing.

Ayon kay De Leon, mag-a-accredit din sila ng mga scrapping companies na siyang kukuha at mamamahala sa pag-scrap sa mga lumang jeepney.

Maaari aniyang maba­yaran pa rin naman ang mga pampasaherong jeepney na gagawing scrap na mula P20,000 hanggang P30,000.

 Nanindigan din si De Leon na desidido talaga ang pamahalaan na isulong ang kanilang jeepney mo-dernization program.  

Nangangahulugan na sa  junk­shop ang bagsak ng mga lumang jeepney sa sandaling maging full-blast na ang implementasyon ng PUV modernization program ng gobyerno.

Ayon pa sa DOTr official, sadyang hindi na akma partikular ang mga pampasaherong jeep para sa public transportation.

Aniya, batay sa kanilang pag-aaral, nasa 90 percent ng mga passenger jeepney na makikita sa mga kalsada ay hindi bababa sa 15 taon na ang edad kaya dapat lamang ituloy na ang mo-dernisasyon ng PUV.

vuukle comment

PASSENGER UTILITY JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with