UST lang ang natata-nging paaralan sa Pilipinas na ginawaran ng titulong “pontifical” na ibig sabihin ay nasa ilalim ng awtoridad ng Vatican.
Miguel de Guzman
UST ‘no comment’ sa paghingi ng tulong ng pamilya Castillo sa Vatican
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumanggi munang  magkomento ang pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) matapos humingi ng tulong sa Vatican City ang pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Matapos ang pagdinig noong Martes, sinabi ni Carminia Castillo, ina ni Atio na natanggap na ng Papal Nuncio ang liham na kanilang ipinadala para imbestigahan kung may pagkukulang ba ang unibersidad sa insidente.

UST lang ang natata-nging paaralan sa Pilipinas na ginawaran ng titulong “pontifical” na ibig sabihin ay nasa ilalim ng awtoridad ng Vatican.

Nauna nang dumepensa si Faculty of Civil Law dean Nilo Divina at sinabing walang kasalanan ang UST sa kaso pagkat matagal ng naka-ban ang hazing sa loob ng unibersidad.

Pero giit ng pamilya Castillo, hindi nila isusuko ang kaso hangga’t hindi napa-panagot ang mga sangkot sa krimen.

Sa ngayon balak daw ng pamilya na kasuhan ng obs­truction of justice ang mga abogado na kasali sa group chat na umano’y pumuprotekta sa mga akusado. 

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with