^

Metro

Quezon City, pinuri ng Singapore

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Quezon City, pinuri ng Singapore
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, tiniti-ngala ngayon ng Singaporean government ang Quezon City dahil sa mahusay na pamamalakad ng mga local official sa larangan ng edukasyon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinuri ng Singapore ang Quezon City sa larangan ng edukasyon dahil sa pagiging ‘competitive’ ng mga estudyante sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, tiniti-ngala ngayon ng Singaporean government ang Quezon City dahil sa mahusay na pamamalakad ng mga local official sa larangan ng edukasyon.

Sinabi ni Belmonte, nag­laan ang Quezon City ng sa­pat at malaking pondo para tustusan ang edukasyon ng mga kabataan sa lungsod na labis na pinasasalamatan ng mga residente.

“Whenever there is a new pedagogy, new teaching style, there is an assessment that goes on. They con­sistently check whether these styles are appropriate or helpful and they are open to changing their modules of teaching,” anang Bise Alkalde.

Inihayag pa ni Belmonte,  inaasahan niyang patuloy na makisosyo sa Singapore lalo na’t dati nang naghandog ng tulong ang nasabing bansa sa pamamagitan ng Temasek Foundation ng Singapore, Center for Livable Cities, at Urban Redevelopment Authority.

 Sa bilang na 1.9 milyong mag-aaral na naka-enroll sa lungsod, ang Quezon City ang may pinakamalaking populasyon sa paaralan sa bansa. Dahil dito, tinukoy ni Belmonte ang edukasyon bilang isa sa kanyang mga pangunahing prayoridad upang madala ng pag-unlad sa mga tao.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with