UP dean inalmahan ng CHED
MANILA, Philippines — Inalmahan kahapon ng pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) ang naging pahayag ng isang college dean mula sa University of the Philippines kaugnay sa pagsuporta nito sa usaping pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos na ihayag ni UP Diliman College of Engineering Rizalina de Leon ang kanyang pagsuporta sa panawagan ng naturang college community para sa pakikibahagi nito sa nalalapit na paggunita sa September 21 Martial Law ng dating Marcos administration na may banner na “Engineer the Downfall of Tyrant and Dictator Duterte’.
Ayon kay CHED officer-in-charge at co-chair ng UP Board of Regents J. Prospero de Vera, walang masama kung hihikayatin ang mga mag-aaral na makibahagi sa anumang pulitikal na usapin dahil aniya ito’y bahagi ng academic freedom ng mga state universities. Ngunit ang panawagan para sa pagpapatalsik sa Pangulo, ay ibang usapin.
“I would really encourage university officials to promote discussions, to allow students to articulate their beliefs…, but the calling for the ouster of the President is another thing.”
Pinabulaanan naman ito ni De Leon at sinabing hindi niya umano sinusuportahan ang anumang panawagan kaugnay ng pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Duterte.
“While I believe that the engineering community must take upon itself the challenge to defend human rights and civil liberties, I do not and will not instigate the downfall of any person or leader, including President Duterte.” ani De Leon.
Sa kabila ng paglilinaw na ito ni De Leon ay hihingan pa rin umano ni De Vera ng paliwanag ang una hinggil sa usaping ito.
- Latest