^

Metro

QC, kauna-unahang nakabuo ng anti-drug code

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
QC, kauna-unahang nakabuo  ng anti-drug code
Nakumpleto na ng Sangguniang Panlungsod ng lungsod Quezon sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte ang komprehensibong “anti-drug code” sa bansa na magsisilbing modelo para sa iba pang mga lokal na pamahalaan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ang Quezon City ang siyang kauna-unahan sa bansa na nakabuo ng anti-drug code na lalong magpapa­lakas sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Nakumpleto na ng Sangguniang Panlungsod ng lungsod Quezon sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte ang komprehensibong “anti-drug code” sa bansa na magsisilbing modelo para sa iba pang mga lokal na pamahalaan.  

“This will be the first drug code in the country, and we are happy to work with different national government agencies and the Quezon City Police

District on this. We want to make sure that this drug code is consistent with the national laws and policies,” sabi ni Belmonte.

Bilang pinuno ng Sangguniang Panlungsod at Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), ipinagmalaki ni Belmonte ang komprehensibong pamamaraang isinusulong ng lungsod sa kampanya kontra droga.  

 Ayon sa bise-alkalde, ang pangkalahatang batas na ito ay binubuo ng mga programa at proseso na kasalukuyang ipinatupad sa lungsod, mula sa “prevention” hanggang sa rehabilitasyon.

Kabilang na rito ang mga programa ng lungsod para sa mga sumukong drug dependents, mga “information campaign” ukol sa pag-iwas sa droga para sa mga kabataan sa mga paaralan, at ang pagpapanatili ng pakikipagtulungan sa kapulisan, simbahan, “non-government” at pampribadong sektor.

vuukle comment

ANTI-DRUG CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with