Kinilala ni NPD Director, Chief Supt. Gregorio Lim ang mga nadakip na sina Ronilo Saplad, 54; Ferdinand Andrada, 52; Gerardo Del Mundo, 51; at Ilona Gail Cristobal, 42, pawang mga nakatira sa Brgy. 37, ng naturang lungsod.
P.8 M shabu nasabat: 4 na ‘tulak’ tiklo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa higit P.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga anti-drug operatives ng Northern Police District (NPD) sa apat na notoryus na ‘tulak’ sa iki­nasang operasyon sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NPD Director, Chief Supt. Gregorio Lim ang mga nadakip na sina Ronilo Saplad, 54; Ferdinand Andrada, 52; Gerardo Del Mundo, 51; at Ilona Gail Cristobal, 42, pawang mga nakatira sa Brgy. 37, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit sa isang bahay sa Marulas A, Macabalo Street, Brgy. 37. Isang poseur buyer ng pulisya ang nagawang makabili ng isang maliit na pakete ng shabu sa isa sa mga suspek kapalit ng P1,000.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang sumulpot ang mga kasamahang pulis ng buyer at masakote ang mga ito.

Bukod dito, nakumpiska rin sa poses-yon ng mga suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng 80 gramo ng shabu, 10 plastic sachet na may lamang 39 gramo, at 10 pang maliit na pakete na may 3 gramo para sa kabuuang 119 gramo ng shabu.

NORTHERN POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with