^

Metro

Wanted na miyembro ng Bahala Na Gang, naaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Wanted na miyembro ng  Bahala Na Gang, naaresto
Sa ulat ni MPD-Station 3 commander, Supt. Julius Ceasar Domingo, dakong alas-11:00 ng umaga nang maaresto sa Bagong Nayon St., Cogeo Village, Mahogany Heights, Antipolo City, ang suspek na si Crisanto Maguddatu , 32, taga-Sampaloc, Maynila.
File

MANILA, Philippines — Isang wanted sa batas na miyembro ng Bahala Na Gang ang nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos siyang madakip sa bisa ng mandamiento de arresto dahil sa iba’t ibang kasong kriminal sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni MPD-Station 3 commander, Supt. Julius Ceasar Domingo, dakong alas-11:00 ng umaga nang maaresto sa Bagong Nayon St., Cogeo Village, Mahogany Heights, Antipolo City, ang suspek na si Crisanto Maguddatu , 32, taga-Sampaloc,  Maynila. Bitbit ng grupo ng Intelligence, Warrant and Follow-up Section na pinangunahan ni S/Insp. Inocencio Villanueva, ang warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 1 para sa pag-aresto, nang mati-yempuhan naman na nasa pag-iingat niya ang isang kalibre .38 na baril at sachet ng shabu.

Isang tipster ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya agad na sinurveillance at natunton kaagad ang lugar na nabanggit. (Alliah Zain Delgado-trainee)

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with