^

Metro

4-anyos hulog mula 16th floor ng condo, lasog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
4-anyos hulog mula 16th floor ng condo, lasog
Sanhi ng matinding pinsala sa katawan, dead-on-arrival sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Lucky Parana, nakatira sa Lower St., Santo Niño, Co­gio, Antipolo City.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 4-anyos  na batang  lalaki nang mahulog ito mula sa 16th floor  ng isang condominium matapos na maiwan ng kanyang ina na nagtapon lang ng basura, kamakalawa sa Parañaque City.

Sanhi ng matinding pinsala sa katawan, dead-on-arrival sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Lucky Parana, nakatira sa Lower  St., Santo Niño, Co­gio, Antipolo City.

Sa report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente ala-1:45 ng hapon sa 16th floor  ng Rio Building Azure Residences and Resorts sa Brgy. Marcelo Green, Parañaque City.

Nabatid na caretaker ang ina ng biktima na si Sal­va-cion Parana, 40, sa naturang unit.

Mula sa bahay nito sa Anti­polo, sinama nito ang anak para maglinis sa naturang unit.

Magtatapon ng basura ang ginang at naiwan sa unit ang anak.

Saka lamang niya naalala na nasa loob ng unit ang biktima at humingi ito ng tulong sa mga guwardya na mabuksan ito dahil sa nai-lock niya ang pinto.

Nang buksan ang unit wala ang   bata at laking gulat nila na ang biktima ay nasa bakal na grills sa may parking lot ng naturang condominium, at hininalang nahulog ito.

Kaagad na dinala ang   pas­lit ng rescue team sa naturang ospital, ngunit idineklara itong dead on arrival. Patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat sa insidente.

vuukle comment

PARAñAQUE DOCTORS HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with