Top 6th Most Wanted sa San Juan tiklo
Kinilala ang suspek na si Joselito Mayo, alyas Donie, 41-anyos, may asawa.
File Photo
Top 6th Most Wanted sa San Juan tiklo
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang itinuturing na Top 6th Most Wanted Person (MWP) sa San Juan City matapos magtago nang siyam na taon dahil sa pagpatay sa kanyang sariling pinsan.

Kinilala ang suspek na si Joselito Mayo, alyas Donie, 41-anyos, may asawa.

Si Mayo ay naresto ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng San Juan, sa pamumuno ni P/Senior Insp. Jerry Napagal, dakong 9:00 ng gabi sa harapan ng Mayfield Condominium sa Barangay Rosario, Pasig City.

Batay sa rekord ng hukuman, si Mayo ang itinuturong nanaksak at nakapatay sa kanyang pinsan na si Rodolfo Mayo, sa Barangay Corazon De Jesus, San Juan City, noong Setyembre 16, 2008.

MOST WANTED ARRESTED SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with