^

Metro

Anak ‘naburyong’, pinatay ang sariling ama

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Anak �naburyong�, pinatay ang sariling ama

MANILA, Philippines — Isang anak na sinasabing ‘naburyong’ dahil  sa droga kaya nagawa nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang amang maysakit sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Bonsato, 64,   Banana Street, Block 37, Welfareville Compound, sa Barangay Addition Hills.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si Rolando Bonsato, 43, sa isinagawang follow-up operation sa tahanan ng isang kaanak sa MRR Street sa Brgy. Barangka Ibaba, Mandaluyong City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Emmanuel Ermino, nabatid na bago nadiskubreng patay ang biktima ay narinig muna ng kanilang mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay narinig pa na sumigaw at humingi ng tulong ang matanda  ngunit hindi nakialam ang kanilang mga kapitbahay dahil sa takot na madamay, bukod pa sa sanay na silang nag-aaway ang mag-ama.

Sinasabing tuwing sinisita ng biktima ang suspek at pinangangaralan na tumigil na sa kanyang bisyo dahil masisira lang ang buhay nito dahil nag-iisang anak lamang ay inaaway nito ang matanda.

Hinihinalang ‘naburyong’ ang suspek  dahil sa kanyang bisyo kaya nagawang patayin ang sariling ama na may sakit pa.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may iba pang motibo sa naganap na krimen.

Kasalukuyan nang nakadetine sa detention cell ng Mandaluyong City Police ang suspek na mahaharap sa kasong parricide sa piskalya.  

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with