Consignee ng P6.4-B shabu shipment, ‘di pinagpiyansa
MANILA, Philippines — Hindi pinahintulutan ng Manila Regional Trial Court (MRTC) na makapagpiyansa ang isa sa mga akusado sa kaso ng P6.4-B shabu shipment mula China.
Dahil umano sa kakulangan ng merito at hindi pagsunod sa tamang proseso para makapagpiyansa, hindi pinayagan ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng MRTC Branch 46 si Eirene Mae Tatad, ang may-ari ng EMT Trading at consignee ng naturang shabu shipment.
“The court finds it premature for Tatad to ask the court to fix her bail as there is no determination that has been made by the court as to whether the evidence of guilt is strong or not,” ani Estacio-Montesa.
Ito ang naging pasya ng hukom sa kabila ng argumento ni Tatad sa kanyang bail bid na wala siya umanong kinalaman sa 602 kilong shipment ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC).
Samantala, pinag-aaralan pa ng korte ang kaso ng self-confessed customs fixer na si Mark Taguba na kasalukuyan pa ring nakadetine kasama ni Tatad sa Manila City Jail kung papayagan itong makapagpiyansa.
- Latest