^

Metro

MMDA hihirit kay Digong sa traffic reduction measure

Robertzon Ramirez - Pilipino Star Ngayon
MMDA hihirit kay Digong  sa traffic reduction measure
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim na humi­ling na siya ng audience sa Pangulo para pag-usapan ang lahat ng comprehensive plan at hindi lang ang tungkol sa high occupancy vehicle policy sa EDSA.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagkita ang pamunuan Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang traffic reduction measure ng ahensya kabilang ang sinuspindeng ban on driver only vehicles sa EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim na humi­ling na siya ng audience sa Pangulo para pag-usapan ang lahat ng comprehensive plan at hindi lang ang tungkol sa high occupancy vehicle policy sa EDSA.

Ang pahayag ni Lim ay ginawa  ilang araw matapos ang isinagawang suspens­yon sa pagpapatupad sa HOV policy sa EDSA matapos ang Senate resolution na naggigiit sa pagpapatigil nito.

Dapat ngayon ang pormal na pagpapatupad nito na hindi na nga natuloy.

Paliwanag ni Lim na may matinding pangangailangan sa pagpapatupad ng traffic reduction measures lalo na sa kahabaan ng EDSA dahil sa nakatakdang mga repair sa Estrella-Pantaleon Bridge na nagkokonekta sa Makati at Mandaluyong.

Sa layunin nga na mabawasan ang sasakyan sa EDSA kaya ipinatupad na rin ang ban sa provincial buses lalo na sa rush hours.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with