^

Metro

MRT-3, na-delay ang biyahe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, na-delay ang biyahe

MANILA, Philippines — Naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon ng umaga bunsod ng pagkakaroon ng technical problem sa signalling system ng linya.

Sa inilabas na advisory ng pamunuan ng MRT-3, nabatid na dakong alas-8:25 ng umaga nang magkaroon ng delay sa “arrival at departure” ng mga tren sa mainline ng MRT-3.

“Nagkaroon po ng ‘signalling technical concern’ sa Taft Avenue Station kaya na-delay po ang biyahe ng mga tren” ayon sa MTR-3.

Dahil sa nangyari ay naipon ang maraming pasahero sa mga istasyon ng MRT-3 na karamihan ay mga ‘office worker’ na nagmamadali sana para hindi ma-late sa kani-kanilang mga trabaho.

Agad naman humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng naabalang pasahero.

  Samantala, kamakalawa ng hapon ay nagkaroon ng aberya ang biyahe ng MRT-3 at kabuuang 600 na pasahero ang pinababa ng tren.

Sinabi ng MRT 3, nagkaroon ng electrical failure sa motor ng isang northbound train bandang alas-3:07 ng hapon.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with