^

Metro

‘Tulak’ tumalon sa estero, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� tumalon sa estero, utas
Ang napatay na sus-pek ay nakilala lang sa alyas na ‘Carlo,’ nasa hus­tong gulang at may taas na nasa 5’5-5’6.

Tinakasan ang pulis

MANILA, Philippines — Isang sinasabing kila­bot na ‘tulak’ ng shabu ang napatay ng mga pulis nang tumalon ito sa estero upang makatakas sa ikinasang drug-bust operation laban sa kanya sa Barangay Palatiw, lungsod ng Pasig kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na sus-pek ay nakilala lang sa alyas na ‘Carlo,’ nasa hus­tong gulang at may taas na nasa 5’5-5’6.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-10:40 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban kay Carlo at sa isa pang kasama nito sa Parian Creek, sa nasabing bara­ngay.

Nang magkaabutan ng epektos at buy-bust money, ay nakahalata ang kasama ni Carlo na mga pulis ang kanilang ka-deal kaya’t kaagad nang tumakas sakay ng isang motorsiklo at naiwan si Carlo sa lugar.

Sa halip namang sumuko, bumunot ng baril si Carlo at pinaputakan ang pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Gumanti naman ng pu­tok ang mga pulis at tinamaan sa katawan ang suspek.

Dito na nagpasya ang suspek na tumalon sa estero sa pagtatangkang tumakas.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with