^

Metro

‘Pusher’ tiklo sa P1.6-M shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Pusher� tiklo sa P1.6-M shabu
Humihimas na ngayon sa malamig na rehas ang natimbog na suspek na si Ernan Aguinaldo, 25-anyos, nakatira sa Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang pusher ng shabu ang nasakote ng mga nagpapatrulyang pulis matapos siyang makumpiskahan ng nasa P1.6-milyong halaga ng droga na nakatakdang i-repack pa lang sa isang barangay sa Taguig City, Sabado ng hapon.

Humihimas na ngayon sa malamig na rehas ang natimbog na suspek na si Ernan Aguinaldo, 25-anyos, nakatira sa Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Taguig Police-Police Community Precinct 6 sa may NP Cruz St. sa Brgy. Ususan dakong ala-1:15 ng hapon nang maispatan ang suspek na kahina-hinala ang kilos.

Dito hinabol ng mga pulis ang suspek at nang abutan ay narekober sa kanya ang dalawang plastic ng yelo na naglalaman ng mga puting pulbos.

Nang isailalim sa pagsusuri, lumalabas na may timbang na higit 200 gramo ng hinihinalang shabu ang laman ng dalawang plastic bag na nagkakahalaga ng P1.6 milyon. Isa pang maliit na plastic sachet ang nakum-piska sa kanya na naglalaman ng .72 gramo ng shabu.

Ayon sa mga pulis, posibleng kakukuha pa lamang ng suspek ang suplay ng droga at ire-repack pa lamang kaya nasa plastic ng yelo pa ang droga nang makumpiska.

Nakatakdang imbestigahan ang suspek upang mabatid kung saan at kanino niya nakukuha ang naturang suplay habang nahaharap  na siya sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PUSHER NG SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with