^

Metro

Maynila, tinanghal na 2nd Most Competitive City

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Maynila, tinanghal na  2nd Most Competitive City
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, hindi biro ang mapabilang sa mga ma­gagaling na lungsod lalo na at nasa ikalawang puwesto.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Malaking karangalan sa Lungsod ng Maynila na tanghaling bilang 2nd Competitive City lalo pa’t muling ibinabalik ang ganda at kaayusan nito.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, hindi biro   ang mapabilang sa mga ma­gagaling na lungsod lalo na    at nasa ikalawang puwesto.

Napanatili ng Quezon City ang unang puwesto.

Sinabi ni Estrada na hindi naman mapapagod at magsasawa ang city government na ayusin ang lungsod gayundin ang pagpapabuti  sa kalagayan ng mga Manilenyo.

Paliwanag ni Estrada, malaking tulong sa kanyang administrasyon ang mga batikos at papuri ng iba’t ibang sektor upang lalo pa niyang pagbutihin ang kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Maynila.

Giit ni Estrada, marami pang programa at proyekto ang lungsod na isasagawa kaya’t kailangan niya ang suporta ng lahat  na Manilenyo.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with