^

Metro

Kilalang aktor, nakabundol ng motor

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kilalang   aktor, nakabundol ng  motor
Batay sa report ng Que­zon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, da­kong alas-6:00 nang ma­ganap ang aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Don Antonio Drive, Brgy. Old Balara, ng lungsod.

MANILA, Philippines — Nasangkot sa isang aksidente sa daan ang model-actor na si Daniel Matsunaga makaraang masalpok niya ang isang rider sa Commonwealth Ave., Quezon City, kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Que­zon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, da­kong alas-6:00 nang ma­ganap ang aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Don Antonio Drive, Brgy. Old Balara, ng lungsod.

Ayon sa report, minamaneho ni Matsunaga ang kanyang kotse galing sa isang restaurant kasama ang kanyang kapatid na si Gilherme, nang sa westbound lane ng nasabing kalsada ay kumanan ang actor patu-ngong Don Antonio St., pero biglang sumulpot ang motorsiklo na siyang dahilan para tamaan ang likurang bahagi ng motor at sumemplang ang driver.

Ayon kay MMDA traffic enforcer Joven Acosta, hindi napansin ni Matsunaga na may nabundol siya kaya tuloy-tuloy ang kanyang takbo.

Hinabol ni Acosta ang aktor at nang abutan ay napansin na malakas ang music sa loob ng sasakyan nito.

Dumaing ng pananakit ng baywang ang rider na humi-ling na huwag nang ihayag ang kanyang pangalan kaya isinugod sa pagamutan.

Matapos malapatan ng paunang lunas ang rider ay hindi na ito nagreklamo laban sa aktor sa halip ay pumirma na lamang sa isang ‘compromise agreement’   ang magkabilang panig. 

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with