^

Metro

Misis pisak sa trak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Misis pisak sa trak
Nakilala ang nasawi na si Mernalyn Aquino, 30, habang ang mga nasugatan naman sina Benedict Chavez, 20, waiter at Aurelia Santos, 18, estudyante.

MANILA, Philippines — Pisak ang isang misis habang sugatan ang dalawa nitong kasama matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo at minalas na mahagip ng kasunod na dump truck sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Mernalyn Aquino, 30,  habang ang mga nasugatan naman  sina Benedict Chavez, 20, waiter at Aurelia Santos, 18, estudyante.

Kusang loob naman sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Larry Santiago, 42.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang aksidente sa JP Rizal kanto ng Libis Street,  sa Brgy. Concepcion Uno.

Sinasabing magkakaangkas ang tatlong biktima sa isang motorsiklo at bumibiyahe sa southbound lane ng JP Rizal, nang pagsapit sa kanto ng Libis Street, ay bigla na lang sumemplang  dahil sa madulas na kalsada.

Hindi naman kaagad na nakapag-preno ang kasunod nilang dump truck, na minamaneho ni Santiago, kaya’t minalas na mahagip sila nito.

Napuruhan si Aquino ng gulong ng truck habang tumalsik at nasugatan naman sina Chavez at Santos, na  ngayon ay ginagamot pa sa hospital.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with