^

Metro

3 bulagta sa drug-bust sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 bulagta sa drug-bust sa Maynila
Alas-4:10 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 laban sa 29-anyos na si Joseph Dalisay, residente ng Sto. Niño St., Tondo na binawian ng buhay dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Tatlong umano’y ‘tulak’ ng droga ang napatay nang makaengkwentro ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo at Sta. Cruz, sa Maynila, ayon sa ulat kahapon.

Alas-4:10 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 laban sa 29-anyos na si Joseph Dalisay, residente ng Sto. Niño St., Tondo na binawian ng buhay dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ni Chief Ins­pector Manny Israel, naga-nap ang insidente sa eskinita malapit sa bahay ng suspek nang tangkain siyang arestuhin matapos makabili mula sa kaniya ang nagpanggap  na kustomer ng shabu.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang kaharap kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na nakailag at agad ding naka­pagpaputok habang ang mga nakaposteng operatiba naman ay agad ding naka-responde.

Isinugod pa ito sa Tondo Medical Center  subalit idineklara ring dead-on-arrival.

Samantala, alas 4:15 naman ng hapon kamakalawa (Agosto 16) nang makipagbarilan sa loob ng Manila North Cemetery sa mga tauhan ng MPD-Station 3 ang mga tulak na sina Lui­sito Torilla, alyas Louie, 39, at  Ricardo Reyes, 20.

Dinala pa ang dalawa sa Chinese General Hospital na hindi na umabot ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakabili umano ang poseur-buyer ng halagang P300 na shabu sa mga suspek na kilala umano sa pagtutulak ng iligal na droga sa Avenue-B, sa loob ng sementeryo.

Nakatunog ang dalawa na bukod sa poseur-buyer ay may mga kasama pa itong nakakalat sa loob ng sementeryo na napansing sinenyasan kaya agad silang bumunot ng baril at nakipagputukan hanggang sa humandusay ang isa sa lapag at isa naman ang bumagsak sa ibabaw ng nitso.

Dalawang baril ang na­rekober sa crime scene habang ang pitong sachet ng shabu at marked money ay nakuha sa bulsa ni Torilla.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with