^

Metro

Toneladang basura nahakot sa Marikina City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Toneladang basura nahakot sa Marikina City
Tone-toneladang basura ang nahakot ng mga tauhan ng Eastern Police District sa isinagawang clean up drive sa may C5 Road, Brgy IVC sa Marikina City matapos salantain ng matinding pagbaha nitong nakalipas na linggo.
(Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Tone-toneladang basu­ra na iniwan ng matinding pananalasa ng bagyong Karding at habagat ang nahakot ng mga operatiba ng Eastern Police District sa isinagawang clean-up drive sa lungsod  kahapon.

Sa report ni Eastern Police District (EPD) Director P/Sr. Supt. Bernabe Balba ang clean-up drive ay bahagi ng pagtulong ng kapulisan sa paglilinis ng kapaligiran.

Una nang pinangasiwaan ng Marikina City Police ang rescue operation sa libong mga residente na naapektuhan ng pagbaha sa lungsod dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni PO3 Catherine Capinpin ng Public Information Office (PIO) ng EPD, ma­aga pa lamang ay sinimu­lan na ang clean up drive sa kahabaan ng C5 Road, Brgy. IVC, Marikina City sa pamumuno ni    Sr. Inspector Noel Rufon.

Binigyang diin ni Balba na hindi lamang sa drug war dapat maasahan ang kapulisan kundi sa disaster response lalo na sa panahon ng kalamidad at idinagdag pa rito ang pagtulong na  malinis sa sangkaterbang basura ang mga naapektuhang lugar sa kaniyang nasasakupan.

Sa tala ang Marikina City ang isa sa grabeng na­a­pektuhan ng Karding at habagat sa Metro Manila bunga ng pagragasa ng baha sa lungsod.

vuukle comment

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with