^
Kasuotang Filipiniana,  dapat itaguyod â Joy B

Kasuotang Filipiniana, dapat itaguyod – Joy B

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang aktibong maitaguyod ang tradisyonal na kasuotang Pilipino, hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng pamahalaan at mga lingkod-bayan na manguna sa pagtangkilik ng kasuotang Filipiniana bilang halimbawa sa kanilang mga nasasakupan.

“As a public servant, I do like wearing Filipiniana and I think it is one of our duties to promote and preserve our local traditions,” sinabi ni Belmonte.

Karaniwan nang nakikita si Belmonte sa QC suot ang mga kasuotang hango sa tradisyonal na Filipiniana tuwing siya ay nasa mga opisyal na tungkulin, mga talumpati, at maging mga bisita sa barangay sa lungsod.

Ang hindi alam ng marami ay madalas na suot ng bise-alkalde ang kanyang sariling fashion line ng mga ‘ready-to-wear’ na mga kasuotang hango sa tradisyonal na Filipiniana mula sa isang brand na tinatawag na Linea Etnika. Ito ay itinatag ni Belmonte at ni Looie Lobregat. Layunin ng Linea Etnika na gamitin ang mga habi at disen­yong Yakan mula sa Mindanao sa mga komportable at modernong pananamit.

Sinimulan nina Belmonte at Lobregat, na anak ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, ang Linea Etnika upang muling buhayin ang tradisyonal na habing Yakan at magbigay ng kabuhayan sa mga babaeng manghahabi mula sa Zamboanga.

FILIPINIANA JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with