^

Metro

Marikina isinailalim sa state of calamity

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Marikina isinailalim sa state of calamity
Covered court sa lungsod ng Marikina na ginawang temporary shelter ng mga residente ng Brgy. Malanday matapos na isailalim ang lungsod sa state of calamity bunsod ng walang tigil na pag-ulan at pagtaas ng tubig-baha dulot ng bagyong ‘Josie’
(Kuha ni Michael Varcas)

Higit 5-K residente, inilikas

MANILA, Philippines — Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan at patuloy na pagtaas ng tubig baha dulot ng bagyong ‘Josie’, ay nagdeklara na si Marikina City Mayor Marcelino Teo­doro ng state of calamity sa kanilang lungsod.

Sinabi ni Teodoro, layu­nin ng pagdedeklara niya ng state of calamity, na mas mapabilis ang rehabilitation at relief efforts ng lungsod.

Nagpapatupad na rin ani­ya sila ng price monitoring sa lahat ng pamilihan upang matiyak na walang negos-yante na mananaman­tala sa presyo ng mga panguna-hing bilihin.

Tiniyak din ng alkalde na alinsunod sa kasunduan nila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay matagal nang may mga suplay ng gamot at pagkain para sa mga evacuees, na nagagamit na aniya nila sa pagtulong sa mga nagsilikas na residente.

Nabatid na hanggang alas-2:00 ng hapon nitong Linggo ay umaabot na sa 1,207 pamilya o 5,071 indibidwal ang napilitang lumikas ng kanilang tahanan matapos na itaas sa ikalawang alarma ang alerto ng Marikina River.

Kasabay nito, nagdeklara na rin si Teodoro na walang pasok sa eskuwela ngayong araw sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, sa kanilang lungsod dahil ang kanilang mga paaralan ay ginagamit bilang evacuation area ng mga lumikas na residente.

vuukle comment

BAGYONG ‘JOSIE’

MARCELINO TEO­DORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with