^

Metro

Lolo tigok sa bundol ng taxi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lolo tigok  sa bundol  ng taxi
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Meliton Sausa, may-asawa, at naninirahan sa No. 9564 Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo, ng naturang lungsod, habang nila­lapatan na ng lunas sa ospital ang sugatang rider na si Jaime Sta.Cruz, nasa hustong gulang na sumemplang matapos na mahagip si Sausa.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 84-anyos na lolo matapos na mabundol ng isang humahagibis na taxi at mahagip pa ng isang motorsiklo habang siya’y tumatawid sa Kalayaan Avenue sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Meliton Sausa, may-asawa, at naninirahan sa No. 9564 Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo, ng naturang lungsod, habang nila­lapatan na ng lunas sa ospital ang sugatang rider na si Jaime Sta.Cruz, nasa hustong gulang na sumemplang matapos na mahagip si Sausa.

Arestado naman ng mga otoridad at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang driver ng Hyundai Accent taxi (TXT 899) na si Suancho Enre­ra, 47, taga-Bulacan St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-11:00 ng gabi, habang mag-isang tumatawid ang bikitma sa naturang kalsada na malapit sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang taxi at mabundol ang biktima at saka tumilapon.

Habang nakahandusay  ang biktima sa kalsada ay dumating naman ang motorsiklo na minamaneho ni Sta.Cruz at nahagip si Suasa dahilan upang siya’y sumemplang at magtamo ng sugat sa binti.

Agad namang nadakip ang driver ng taxi habang idi­neklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Suasa at mabilis namang nilapatan ng lunas si Sta. Cruz.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with