^

Metro

Pusher nanlaban, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pusher nanlaban, todas
Naisugod pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ang suspek na kinilalang si Eduardo Espino, alyas “Eddie Boy”, nasa hustong gulang, at naninirahan sa Libo 1, Brgy. Malanday ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Isang kilabot na pusher ng droga ang bumulagta matapos na manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation nitong Sabado ng hapon sa Valenzuela City.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ang suspek na kinilalang si Eduardo Espino, alyas “Eddie Boy”, nasa hustong gulang, at naninirahan sa Libo 1, Brgy. Malanday ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Valenzuela City Police-Station Drug Enforcement Unit, dakong ala-1:00 ng hapon nang magkasa sila ng buy-bust operation sa tapat ng bahay ng suspek na natukoy na isa sa nag-o-operate na tulak sa lungsod.

Matapos na makabili ng isang plastic sachet ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer, aarestuhin na ng mga nakaalertong pulis ang suspek nang makatunog umano siya at bumunot ng baril saka pinaputukan ang mga alagad ng batas.  Nakaiwas naman ang mga pulis na gumanti ng putok bilang pagtatanggol sa kanilang sarili at nagresulta sa pagkakapaslang sa suspek.

Narekober ng mga pulis sa bulsa ng suspek ang isang coin purse na naglalaman ng 15 plastic sachet ng shabu habang nakuha naman sa lugar ng barilan ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust, isang kalibre .38 baril na gamit ng suspek na may limang live na bala at isang napaputok na cartridge.

vuukle comment

CRIME

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with