^

Metro

P.6-M cash nasamsam sa selda ng MM District Jail

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
P.6-M cash nasamsam sa selda ng MM District Jail
Ang nasamsam na mga cash at mga patalim matapos na isagawa ang greyhound operation sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tinatatayang mahigit sa P.6 million  cash, mga cellphone at patalim ang nakumpiska mula sa mga presong nakakulong sa Metro Manila District,  Jail Annex 4 na nasa compound ng Camp Bagong Diwa,  Taguig City kahapon ng umaga.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, alas-5:00 kahapon ng umaga nang simulan ang greyhound  operation sa naturang kulungan  nang pinagsanib na pwersa  ng pulisya,  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kung saan isa-isang pinalabas ang mga preso na nabulabog sa sorpresang pagsalakay. Gamit ng mga awtoridad ang K-9 dog ng inspeksiyunin ang mga selda.

Kinapkapan rin ang bawat isa sa mga preso na ayon kay Eleazar ay  nakatanggap sila ng impormasyon  mula sa isang naarestong suspect,  na mayroon aniyang illegal drug  transaction sa nabanggit na kulungan.

Hinalughog ang mga gamit ng mga preso na nasa loob ng mga selda.

Nabatid, na sa  cell number 7, may nakuhang P630,000.00  na cash mula sa isang inmate na  may kasong murder. 

Sa ibang selda, nakuha ang mga bank receipts na may transaksyon na libu-libo rin ang halaga at aalamin ang mga laman nito. Ilan pa sa nakumpiska ay mga cellphone, ilang improvised na patalim at dalawang telebisyon. 

Base sa patakaran ng BJMP,  na P2,000 lamang na halaga  ang pinapayagang makapasok sa kulungan kada araw.

Nabatid na ang  Annex 4 ay may 369 inmates  na karamihan ay high risk, na  ang ilan ay miyembro umano ng Abu Sayyaf, NPA at grupo ng sindikato.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with