^

Metro

Higit pang pagpapaliwanag sa pederalismo kailangan-Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit pang pagpapaliwanag sa pederalismo kailangan-Joy B
Ito ang sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte hinggil sa ulat na isang tao lamang sa apat na mamamayan ang nakakaalam sa federalism batay sa SWS survey.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kailangan pa ng higit na pagpapaliwanag sa mamamayang Pilipino tungkol sa pede­ralismo upang maunawaan nila ang benepisyong makukuha dito.

Ito ang sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte hinggil sa ulat na isang tao lamang sa apat na mamamayan ang nakakaalam sa federalism  batay sa SWS survey.

“Kailangan lamang talaga na maipaliwanag pa sa kanila ang adhikain ng isang fede­ral system of government. Sa amin sa lokalidad, oras na maipatupad ang pederalismo, higit na magkakaroon ng boses ang bawat mamamayan at ang mamamayan ang may direktang access sa pondo ng pamahalaan at direktang makikinabang sa mga programa ng bawat rehiyon”, pahayag ni Belmonte.

Sa kanyang panig, sa ginanap na federalism symposium na pinangunahan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi naman ni Cons­titutional Commission Chairman Reynato Puno, ang mga failure ng 1987 constitution ay mabibigyang daan tulad ng problema sa kahirapan sa pamamagitan ng pede­ralismo.

“Kailangan talaga maisulong ang pederalismo at malaki ang paniwala ko na maipatutupad ito, lahat ng failure ng 87 constitution ay mareresolba ng federalism, ang pinaka matinding failure niyan ay ang widespread po­verty, bakit ba iilang pamilya lamang ang mayaman sa ating bansa, bakit mayaman sa natural resources ang mga rehiyon pero naiiwan sila, What is wrong in our unity government kaya nga oras na maipatupad ang federalism, maaalis ang dynasty, tanggal ang monopoly, duopoly at ibat iba pang nagpapayaman sa mayayaman samantalang ang mga nasa malalayong lugar ay patuloy na naiiwan, sa federalism tanggal yan” pahayag ni Puno.

Sa ilalim anya ng federal system of government, 50 percent ng kita ng bawat rehiyon ay mapapakinabangan ng direkta ng  mamamayan ng bawat rehiyon, mapapalakas ang pagtamasa ng mamamayan sa kanilang mga karapatan.

“The concentration of federalism is not power, not delegation of power but equitable power of the government in  the region “, sabi pa ni Puno.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with