^

Metro

Chinese trader tinodas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Chinese  trader  tinodas
Sanhi ng dalawang tama ng punglo sa katawan, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Edward Pascual, residente ng 320 Claro M. Recto Avenue, Tondo, Maynila.

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na negos­yanteng Instik ang itinumba ng dalawang ‘di pa natutukoy na mga suspek matapos siyang pasukin sa loob ng kanyang e-cigarette o vape shop at pagbabarilin, kamakalawa ng hatinggabi sa Binondo, Maynila.

Sanhi ng dalawang tama ng punglo sa katawan, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Edward Pascual, residente ng 320 Claro M. Recto Avenue, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-11:50 ng hatinggabi nang pasukin ng isa sa dalawang suspek na pawang mga nakasuot ng helmet ang biktima sa kanyang shop sa naturang lugar at agad na pinagbabaril.

Nang maisagawa ang pamamaslang ay kaswal na lumabas sa shop ang gunman at sumakay sa motorsiklong naghihintay sa kanya sa labas.

Ayon sa anak ng biktima, dati umanong nasangkot sa iligal na droga ang kanyang ama pero na-dismiss din ang kaso nito matapos na hindi mapatunayan.

Patuloy naman na iniim­bestigahan ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa bik­tima.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with