^

Metro

Kelot niratrat, dedbol

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Kelot niratrat, dedbol
Sanhi ng maraming tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, hindi na umabot pang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jonathan Masucat, nakatira sa Cagayan de Oro St., Brgy. Maharlika ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang 32-anyos na lalaki matapos siyang ratratin ng nag-iisang gunman, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Taguig.

Sanhi ng maraming tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, hindi na umabot pang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jonathan Masucat, nakatira sa Cagayan de Oro  St., Brgy. Maharlika ng naturang lungsod.

Blanko pa ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:35 ng hapon, habang nakatayo lamang sa isang lugar sa Poolan St., sa Brgy. Central Bicutan ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin at walang patumanggang pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguan itong bumulagta.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with