^

PSN Palaro

Ok ako--Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ok ako--Pacquiao
Ngunit normal ang na­ging kilos ng Pambansang Kamao na animo’y walang nararamdaman nang itarak ang seventh-round technical knockout win para maagaw ang World Boxing Association welterweight belt kay Matthysse.

MANILA, Philippines — Isang pasabog ang pinakawalan ni eight-division world champion Manny Pacquiao nang madiskubreng may iniinda itong sakit sa puso bago sumabak kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngunit normal ang na­ging kilos ng Pambansang Kamao na animo’y walang nararamdaman nang itarak ang seventh-round technical knockout win para maagaw ang World Boxing Association welterweight belt kay Matthysse.

Sa katunayan, muntik nang hindi matuloy ang laban dahil sa mga kaganapan ilang araw bago ang petsa ng Pacquiao-Matthysse fight.

Noong Hulyo 8, isang araw bago umalis ang Team Pacquiao patungong Kuala Lumpur, itinakbo ang Pinoy champion sa ospital dahil sa hirap nitong paghinga.

Natuklasan na mayroon itong kundisyon sa puso at agad na sumailalim sa angiogram.

Naging maganda ang resulta ng procedure sa katawan ni Pacquiao kaya’t agad din itong nakabalik sa porma.

Hindi pinahintulutan ng mga doktor na makalabas sa ospital si Pacquiao dahil sa kanyang kundisyon.

Pinayagan lamang itong lumabas matapos pumirma sa isang waiver.

“Siyempre to make sure na bago lumaban, walang diperensya, wala tayong problema. So, nag-undergo tayo ng angiogram, one week before the fight,” ani Pacquiao.

Tumulak si Pacquiao sa Malaysia dala ang iniindang sakit sa puso.

Lumaban ito bitbit ang bandila ng Pilipinas kalakip ang panalangin ng milyun-milyong Pilipinong dumala­ngin sa kanyang tagumpay.

At hindi ito nabigo nang maiuwi nito ang kumikislap na WBA belt.

Ngunit malaking katanungan kung maipagpapatuloy pa nito ang laban matapos madiskubre ang kanyang sakit sa puso o tuluyan na itong magreretiro.

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with