^

Metro

2 holdaper, utas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2  holdaper, utas sa shootout
Ang riding-in-tandem na holdaper na napatay makaraang manlaban sa mga tauhan ng pulisya na aaresto sa kanila kahapon ng madaling araw sa Intramuros, Maynila.
Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang holdaper na riding in tandem matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Riverside, Plaza Mexico, Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw.  Ayon kay P/Chief Insp. Joselito Ocampo, chief ng District Security Operations Unit (DSOU), naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling araw.  Inilarawan ng mag-asawang biktima ang mga suspek na nasa edad 25-35 na siyang humoldap sa kanila habang nag-aabang  ng taxi sa Ayala Boulevard sa panulukan ng Taft Avenue  dakong alas –11:40 ng hatinggabi. 

Nabatid na hinintuan umano ng mga suspek ang mag-asawa, tinutukan ng baril at saka nagdeklara ng holdap. Sa takot ay ibinigay na ng mag-asawa ang bag ng babae. 

Humingi ng tulong ang mga biktima sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagkataong rumoronda sa lugar. Kaagad naman nagtayo ng checkpoint at nang maispatan ang mga suspek, pinara ito pero sa halip na huminto ay bumunot ng baril at nagpaputok sa direksiyon ng mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng agarang kamatayan ng mga suspek.  Narekober naman sa mga suspek ang bag, cellphone at pera ng mga biktima.  Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng dalawang suspek.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with