^

Metro

Hype, pinagpapaliwanag ng LTFRB sa overcharging

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hype, pinagpapaliwanag  ng LTFRB sa overcharging
Ang P2 per minute charge ay hiwalay na singil pa ng Hype sa flagdown rate na P40 at P14 per kilometer charge,.

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang  bagong transport network company (TNC) na Hype kung bakit naniningil ng P2 per minute charge sa mga pasahero nang walang approval  mula sa ahensiya.

Ang P2 per minute charge ay hiwalay na singil pa ng Hype sa flagdown rate na P40 at P14 per kilometer charge,.

Nais ding malaman ng LTFRB kung bakit hindi maaaring kanselahin ang akreditasyon ng Hype dahil sa overcharging.

Kaugnay nito, inata­san ng LTFRB ang pamu­nuan ng Hype na dumalo sa itinakdang pagdinig sa July 24 para rito.

Ang Hype  ay na-accredit ng LTFRB noong  April 18, 2018  may dalawang araw makaraang maibenta ng Uber ang  operasyon sa Grab.

Una nang napatawan ng multang P10 milyon ang Grab  dahil sa paniningil nito ng P2-per-minute charge sa mga pasahero na hindi umano aprubado ng LTFRB.

HYPE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user