^

Metro

1 pang parak inireklamo, inaresto

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
1 pang parak inireklamo, inaresto
Sinailalim na sa inquest proceeding sa Pasay City Prosecutor’s Office ang suspect na si PO2 Felicimo Sales Jr., 34, nakatalaga sa Parañaque City Police at nakatira sa Tanza, Cavite.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Isa na namang pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos magpaputok ng baril bilang pagwa-warning shot laban sa dalawang babaeng estudyante  na inakusahan at hinuli dahil umano’y  sangkot sa droga, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sinailalim na sa inquest proceeding sa Pasay City Prosecutor’s Office  ang suspect na si PO2 Felicimo Sales Jr., 34, nakatalaga sa Parañaque City Police at nakatira sa Tanza, Cavite.

Ang mga estudyante namang complainant ay kinilala  sa pangalang Nursima Isnalin, 23 at isang 15-anyos na menor de edad, kapwa taga- Brgy. 145, Zone 16, Pasay City.

Katwiran ni PO2 Sales, hinuli aniya niya ang mga complai­nant dahil sangkot sa  ilegal na droga.

Nang makita aniya siya ng mga complainant, umiwas at nagtatakbo ang mga ito, dahilan upang mag-warning shot siya sa mga ito.

Dito, nadiskubre na walang katotohanan ang akusasyon sa mga hinuling estudyante at wala aniyang nakuhang droga sa mga ito.

Dahilan upang magreklamo ang mga ito sa Pasay City Police at sa follow-up operation, alas-11:30 kamakalawa ng gabi dinakip  si PO2 Sales.

vuukle comment

COP ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with