^

Metro

Rain or shine: MM shake drill tuloy

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Rain or shine: MM shake drill tuloy
Ito ang sinabi kahapon sa press briefing ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umulan man o umaraw ay tuloy ang nakatakdang Metro Manila shake drill ngayong linggo at inaasahang magdudulot ito nang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ito ang sinabi kahapon sa press briefing ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Sabi ni Garcia, ang mang­yayaring shake drill ay tuloy kahit pa patuloy ang masamang panahon.

“Rain or shine, tuloy ang shake drill,” ani Garcia.

Ang pagdaraos ng shake drill sa gitna ng masamang panahon ay magbibigay ng pagkakataon sa MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRC) para mapaghandaan ang mga “worst-case scenarios.”

“Pwede nating gawin ang drill sa pinakamadaling pa­raan pero paano kung dumating ang lindol sa kritikal na panahon? Sa ganitong paraan, makakapaghanda tayo sa mga posibleng malalang sitwasyon,” dagdag ni Garcia.

Nagbabala rin si Garcia na posibleng magdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ang natu­rang shake drill.

Magkakaroon ng iba’t ibang “staged scenarios” na gagawin ng mga local government units, pribadong sektor, paaralan, at mga establisimento sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

“Oras na marinig nila ang alarm, ang mga motoristang gustong makiisa sa shake drill ay maaaring huminto sa pagmamaneho kahit sa loob lamang ng isang minuto,” ani Garcia.

Sa kabila ng abalang maaaring idulot ng aktibidad, iginiit ni Garcia na layunin nitong pataasin ang “culture of awareness” o kahandaan ng publiko sa isang malakas na lindol.

Ide-deploy naman ng MMDA ang kanilang mga tauhan sa mga nakatakdang emergency operation cen­ters sa apat na quadrant sa Metro Manila.

vuukle comment

JOJO GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with