^

Metro

Mega Q-Mart sa Quezon City nasunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mega Q-Mart sa Quezon City nasunog
Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-4:44 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang apoy at agad itong itinaas sa ikaapat na alarma.

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang ilang tindahan sa Mega Q-Mart sa EDSA Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-4:44 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang apoy at agad itong itinaas sa ikaapat na alarma.

Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa sunog at 25% ng palengke ang natupok sa bahagi ng dry good section.

Nadamay din sa sunog ang opisina ng palengke na sinasabing walang tao nang sumiklab ang apoy.

Tinatayang aabot sa isang milyon ang halaga ng napinsala ng sunog kasama na ang mga panindang naabo.

Ayon sa BFP, naideklara nilang under control na ang sunog ng alas-5:20 ng umaga.

Hindi pa batid ng mga arson investigators kung anong sanhi ng sunog na siyang subject ng kanilang ginagawa ngayong masusing imbestigasyon.

Wala namang naiulat na nasaktan o kaya’y nasawi sa nasabing sunog.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with