^

Metro

QC Jail ginalugad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
QC Jail ginalugad
Dakong alas-7:00 ng umaga nang halughugin ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP) ang loob ng bilangguan, gamit ang mga K9 units.
Boy Santos

Cellphone at armas nasamsam

MANILA, Philippines — Nakakumpiska ng cellphone at mga improvised na armas ang mga awtoridad makaraang isagawa ang paggalugad  sa loob ng Quezon City Jail, kahapon ng umaga.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang halughugin ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  at Philippine National Police (PNP) ang loob ng bilangguan, gamit ang mga K9 units.

Pansamantalang pinalabas ng mga selda ang mga bilanggo upang mahalughog mabuti ang kanilang mga selda laban sa mga illegal na droga, mga armas, cellphone at iba pang mga ipinagbabawal na kontrabando.

Partikular na binusisi ay ang mga Selda 1 hanggang 7, kabilang na ang sa ‘Bahala Na Gang’, na nagresulta sa pagkakasamsam sa  mga cellphone, na ang isa ay natagpuan sa loob ng isang piraso ng kahoy, at mga improvised weapons, tulad ng mga patalim, mga tubo, pamalo, kutsara, tinidor, mga pako at iba pa.

Sinabi naman ni Jail Supt. Ermilito Moral na nananati­ling nilang problema ang pagsisiksikan ng kanilang mga preso, na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 3,600 inmates, gayung ang kapasidad lamang ng kanilang bilangguan ay 800 bilanggo lamang.

vuukle comment

QUEZON CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with