^

Metro

Lapel microphones, ipinamahagi ni Joy B sa mga guro ng QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Lapel microphones, ipinamahagi  ni Joy B sa mga guro ng QC
Ang mga lapel ayon kay Vice Mayor Belmonte ay para makatulong sa mas epektibong pagtuturo ng mga guro sa mga mag -aaral lalu pa’t parami ng parami ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase na halos hindi na magkarinigan ang guro at mga estudyante.

MANILA, Philippines — Umaabot sa 3,358 lapel microphones  ang naipamahagi  ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga guro ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang mga lapel ayon kay Vice Mayor Belmonte ay para makatulong sa mas  epektibong pagtuturo ng mga guro sa mga mag -aaral lalu pa’t parami ng parami ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase  na halos hindi na magkarinigan ang guro at mga estudyante.

Sa kabuuang bilang,  may 1,262 lapel microphones ang naibigay sa mga guro sa junior high school at 2,096 naman sa elementary public schools.  Ang mga nakatanggap na ng lapel microphones ay mga guro mula sa District 1, 3 at 4.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Belmonte na kanyang kukumpletuhin na  maipamahagi ang nasa “wish list” ng mga guro. 

“May utang pa po ako sa inyo. Alam ng mga principal ‘yan kasi noong nagpa-consultation meeting po ako, hiniling po ninyo sa akin na dapat lahat ng classrooms ay may electric fan, yan po ang second promise ko po sa inyo. ‘Yung third promise ko po sa inyo ay sound system na maganda,” dagdag pa ni Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with