^

Metro

Mga armas nasabat ng Coast Guard

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga armas nasabat ng Coast Guard
Nang inspeksiyunin ng magkasanib na pwersa ng PCG K9- Central Visayas (CGK9-CV) at Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bato , nadiskubre ang mga nasabing baril at mga magazine nito na dala umano ng mga suspek na kinilalang sina Velino C. Cubol, 36,; Flora Mae R. Cubol, 35 ; at Maria Bella A. Manot, 55 , pawang mga residente ng Brgy. Suba, Danao City, Cebu.

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nang maharang sa isinagawang inspeksiyon ang mga bagahe na naglalaman ng nasa 45 piraso ng kalibre 45 pistola na ibibiyahe patungong Min­danao, kamakalawa.

Nang inspeksiyunin ng magkasanib na pwersa ng PCG K9- Central Visayas (CGK9-CV) at Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bato , nadiskubre ang mga nasabing baril  at mga magazine nito na dala umano ng mga suspek na kinilalang sina Velino C. Cubol, 36,; Flora Mae R. Cubol, 35 ; at Maria Bella A. Manot, 55 , pawang mga residente ng Brgy. Suba, Danao City, Cebu.

Nabatid na ang mga suspek ay sakay ng rolling cargo patungong Dapitan City, Zambonga del Norte mula sa South Bus Terminal ng Cebu City  na isinakay naman sa Samboan Lite Ferry port, mula  Samboan Cebu noong Hulyo 14, nang dumaan sa Maritime Security and safety Inspection.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with