^

Metro

Lolo inutas bago sinunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lolo inutas bago sinunog
Isinasailalim na sa dagdag na pagsusuri ang bangkay ng nasawi na si Sotero Lozada, ng Brgy. Bignay, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Masusing iniimbestigahan ngayon ng Valenzuela City Police ang pagkasawi ng isang 75-anyos na lalaki na nadiskubreng may mga saksak sa katawan at basag ang ulo matapos na marekober ang kanyang bangkay sa natupok niyang bahay, kamakalawa ng madaling araw.

Isinasailalim na sa dagdag na pagsusuri ang bangkay ng nasawi na si Sotero Lozada, ng  Brgy. Bignay, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng pulisya, alas-12:45 ng madaling araw nang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa ulat na nasusunog ang isang bahay sa may Brgy. Bignay.  Matapos ang ilang oras, naapula ng mga bumbero ang apoy at nadiskubre sa “mopping operation” ang bangkay ni Lozada.

Nadiskubre na may naganap na krimen sa insidente nang makita sa isinagawang awtopsiya sa bangkay na nagtamo ito ng saksak sa katawan habang basag ang ulo buhat sa pagpalo ng isang matigas na bagay.

Dahil dito, muling bumalik sa nasunog na bahay ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at kumuha ng mga dagdag na ebidensya na maaaring magamit sa isinasagawang imbestigasyon.  Umaasa ang mga SOCO na makakakuha pa sila ng “latent fingerprints” sa ilang gamit sa bahay na hindi nahagip ng apoy.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with