^

Metro

Trader dedo sa ambush sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Trader dedo sa ambush sa Tondo
Kinilala ang biktimang si Juan Miguel Tan, 46, na nagtamo ng bala sa likod ng ulo na nasawi habang ginagamot sa Tondo General Hospital.

MANILA, Philippines — Patay ang isang negos­yanteng Chinese nang barilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Pier 18, Road 10, malapit sa Smokey Mountain, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Juan Miguel Tan, 46, na nagtamo ng bala sa likod ng ulo na nasawi habang ginagamot sa Tondo General Hospital.

Naganap ang insidente pasado alas 8:00 ng umaga kahapon sa Road 10, sa Tondo. Sa impormasyon, ilang residente malapit sa pinangyarihan ang nakarinig ng mga putok ng baril bago nakitang duguan sa loob ng kaniyang beige na Toyota Avanza ang biktima.

May nakita rin sa footage ng closed circuit television (CCTV) ng Barangay 101 na nag- u-turn  pa ang mga suspek na riding in tandem pabalik ng northbound

Habang isinusulat ang ba­litang ito ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Sumaklolo naman ang mga tauhan ng nakasasakop na barangay na nagdala sa biktima sa pagamutan.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with