^

Metro

Empleyado ng LRT-1 iniimbestigahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng LRT-1 iniimbestigahan
Ayon sa LRT-1, inaalam na nila ang pangalan ng empleyado para mahi­ngian ng paliwanag hinggil sa insidente. Humihingi umano sila ng paumanhin sa mga pasahero sa ginawa ng kanilang empleyado.
Miguel de Guzman

Sa pagsita sa pasaheron naka-wheelchair

MANILA, Philippines — Nasa “hot water” ngayon ang isang empleyado ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) makaraang mag-viral sa social media ang ginawang paninita nito sa isang amang pasahero at kanyang anak na dalagita na naka-wheelchair sa loob ng tren nang sabihang nakakasagabal sila sa kanilang kapwa pasahero.

Ayon sa LRT-1, inaalam na nila ang pangalan ng empleyado para mahi­ngian ng paliwanag hinggil sa insidente. Humihingi umano sila ng paumanhin sa mga pasahero sa ginawa ng kanilang  empleyado.

“Our sincerest apologies to the passengers involved.  While we are investigating the identity of the employee, we have also been trying to identify & locate the involved passengers. If anyone has leads to our dear passengers in photo, please let us know thru DM,” ayon sa pahayag ng LRT-1.

Humingi pa ng tulong ang LRT-1 sa publiko kung sino ang nakakakilala sa mag-amang pasahero na pinagsabihan ng kanilang empleyado, upang personal na makahingi ng paumanhin sa mga ito.

Ang insidente ay nag-ugat sa Facebook post ng isang Nyl Yajra noong Hulyo 12, 2018, hinggil sa ginawang umano’y pagsita ng isang empleyado ng LRT-1 sa isang mag-ama, na halos araw-araw umanong sakay ng tren, mula sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) upang magtungo sa Phili­ppine General Hospital (PGH) para magpagamot.

Sinabihan umano ng empleyado ang ama ng dalagita na nakakasagabal ang wheelchair ng kanyang anak sa ibang pasahero, kaya’t ang ginawa ng ama ay tumayo na lamang at itinabi sa isang gilid ang upuang de gulong.

Hindi naman nagustuhan ng mga pasahero ang inasal ng empleyado dahil sa halip na sitahin ay dapat pa nga anilang binigyan nito ng prayoridad ang mag-ama dahil sa kalagayan ng anak nito.

“Halos araw-araw kong nakakasabay sa LRT1 ang mag-amang eto na sumasakay sa EDSA going to Pedro Gil-PGH.  Pero ngayon may isang staff ng LRT na sumaway sa ama na sinabing nakakasagabal sa ibang uupo ang wheelchair ng dalagita, ang ginawa ng ama tumayo na lang at gumilid.  Kunsidirasyon lang sana gayong may sakit ang kasama ni tatay, imbis na sawayin sana binigyan ng priority,” post ni Nyl Yajra, na may kasama pang larawan ng mag-amang pasahero.

Umani naman ng mga batikos sa netizens ang empleyado ng LRT-1 dahil sa naturang post.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with