^

Metro

Koreano niratrat ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Koreano niratrat ng tandem
Nasa maayos nang kondisyon sa Manila Doctors’ Hospital ang biktimang si Bae Jung Hyun, 48-anyos na pansamantalang nanunuluyan sa Hotel 2016 na matatagpuan sa M.H. del Pilar St., Malate bagaman tinamaan ng bala sa hita.

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang nasugatan nang pagbabarilin  ng riding-in-tandem habang naghihintay ng Grab taxi service sa harapan ng isang hotel sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasa maayos nang kondisyon sa Manila Doctors’ Hospital ang biktimang si Bae Jung Hyun, 48-anyos na pansamantalang nanunuluyan sa Hotel 2016 na matatagpuan sa  M.H. del Pilar St., Malate bagaman tinamaan ng bala sa hita.

Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa krimen at kung sino ang dalawang lalaking suspek na sakay ng  itim na Suzuki motorcycle na kapwa armado ng kalibre 45 baril.

Sa ulat sa tanggapan ni Supt. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District Station 9, dakong  ala-1:28 ng mada­ling araw, biglang lumutang umano sa tapat ng biktima ang dalawang suspek at mabilis na pinaputukan ang biktima bago humarurot papatakas.

Hindi naman namukhaan ng saksing si Christian Laceda, 26, barangay tanod ng Barangay 701, Zone 77 na nakasasakop sa lugar, dahil sa mga suot na full-faced helmet ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with